20080612

ang mamatay ng dahil sa'yo

walang hihigit sa pagiging malaya...
Nais kong lumipad tulad ng agila at lumutang-lutang sa hangin
Magkaroon ng pugad sa puso ng gubat
Ngunit ito ay panaginip lang at maaring di matupad
Pagkat ang kagubatan ay unti-unti ng nawawala
Mga puno nito’y nangingibang bayan
At kung wala ng puno ay wala na ring mapupugaran
Kapag ang agila’y walang pugad, wala na syang dahilan upang lumipad
O haring ibon
Haring tunay
Nais kong tumulong
Na ang kaharian mo’y muling mabuhay

Kung nais mong makakita ng agila
Wag kang tumingala’t tumitig sa langit
Pagkat ang mga agila nitong ating bayan
Ang iba’y nabihag na, at ang mga natitira’y bihirang magpakita
Tiniklop na nila ang kanilang mga pakpak
Hinubad na nila ang kanilang mga lumahe
Sila’y nagsipagtago sa natitirang gubat
Ang lahi ba nila’y tuluyan ng mawawala
Ooo haring ibon
Haring tunay
Nais kong tumulong
Nang kaharian mo’y muling mabuhay
O haring ibon
Hari kong tunay
Nais kong tumulong
Nang kaharian mo’y muling mabuhay


- Agila / Joey Ayala

sa kabila ng sari-saring krisis na kinakaharap,
mas pipiliin ko pa rin ang manatili at mamuhay dito sa sariling bayan.

walang katumbas na tagumpay o yaman ang mamuhay ng malaya.